Rocket engine test, muling isinagawa ng North Korea

World – Nagsagawa ng rocket engine test ang North Korea sa bahagi ng yun song city kung saan isinasagawa din ang mga nagdaang missile launch.

Ang ginawang test ay pinaniniwalaang bahagi ng layunin ng North Korea na makabuo ng intercontinental ballistic missile.

Inaasahan naman ng Amerika na simula pa lamang ito ng serye ng engine at missile test na gagawin ng North Korea ngayong taon.


Noong Marso, tatlong beses na nagsagawa ang North Korea ng parehong rocket engine test.

Facebook Comments