Rocket launch ng China, ibinabala ng NDRRMC sa mga taga-Catanduanes

Nag-abiso ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga taga-Panay Island, Catanduanes, kasunod nang inilunsad na rocket launch ng China kaninang alas-9 hanggang alas-10 ng umaga.

Kasunod nito, inatasan ng NDRRMC ang Philippine Coast Guard (PCG), Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), Department of the Interior and Local Government (DILG), at Department of Environment and Natural Resources – National Mapping and Resource Information Authority (DENR-NAMRIA) na magpatupad ng hakbang upang protektahan ang mga papalaot sa karagatan ng dulong hilagang Luzon.

Inalerto rin ang Regional Disaster Risk Reduction and Management Office (RDRRMO) ng Bicol Region para bantayan ang pagbagsak ng anumang debris mula sa kalangitan.


Samantala, saka-sakaling may bumagsak na debris, pinag-iingat ng Philippine Space Agency ang publiko dahil nagtataglay ito ng mga kemikal na nakasasama sa kalusugan.

Facebook Comments