Rockets, panalo kontra Nuggets; 112-85

Inilampaso ng Houston Rockets ang Denver Nuggets sa iskor na 112 – 85.

Ayon kay Rockets player Austin Rivers – ipinagmalaki nila ang kanilang solid na defense strategy.

Humataw si Rivers ng 15 puntos at James Harden na may 38 points, 6 rebounds at 6 assists.


Nabalewala naman ang 20 points ni Jamal Murray ganon din ang tig-16 points nila Monte Morris at Nikola Jokic ng Nuggets.

Sa ngayon, nasa pang-apat na pwesto ang team standing ng Rockets habang nasa top 2 ang Nuggets sa Western Conference.

Facebook Comments