Rodel Jayme, naghain ng not guilty plea

Manila, Philippines – Naghain ng “not guilty” plea sa kaso inciting to sedition si Rodel Jayme, ang administrador ng website na metrobalita.net kung saan in-upload ang mga video ng “Ang Totoong Narcolist

Nag-isyu naman si Parañaque Regional Trial Court Branch 258 Judge Noemi Balitaan ng commitment order sa jail warder ng Parañaque City Jail para kunin ang kustodiya kay Jayme mula sa National Bureau of Investigation (NBI).

Mababatid na kinasuhan ng Department of Justice (DOJ) si Jayme sa Parañaque Court kaugnay sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act para sa publication ng kontrobersiyal na Bikoy video na nag-aakusa sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade.


Facebook Comments