Inakusahan ng ilang netizen ang aktor na si Rodjun Cruz at fiancée niyang si Dianne Medina na government-funded ang trip to Japan ng dalawa, matapos mamataang kasama ang presidential entourage, at iba pang personalidad.
Sa Facebook posts ni Medina, makikitang sa isang picture nila sa airport na naka-fist (signature pose ni Pangulong Rodrigo Duterte) ang ilan sa kanila, kabilang si Rodjun.
Sa isang post ni Rodjun sa Instagram, isang netizen ang nagtanong sa aktor:
“Just wondering kasi nakita ko picture ninyo sa airport, kasama ba kayo sa grupo ng mga taga gobyerno na nagpubts diyan or natiyempuhan Lang na nakita ninyo sila sa airport?”
Dito na nagsimula ang pagtatalo ng ilang sumuporta sa komento at ilang nagtatanggol kay Cruz at Medina.
Sinagot naman ito ng aktor at sinabing, “hi guys may freedom naman ako to post Dahil kami nag bayad ng trip Na toh. Mali Lang jinujudge kami ng mga Tao. Madaming bansa na kaming napuntahan ni dianne bukod sa Japan. Ilang beses narin kami bumalik Dito❤️🙏🏻 Salamat God bless”
Narito ang ilan pang komento ng netizens sa partikular na thread:
“thanks. same time kayo dumating ng presidente sa Haneda? same day din dumating sa Imperial Hotel. Martin Escudero went to Japan to join Duterte and Go, diba? it is all just coincidence to be in the same place at exact same time. 😊”
” just ignore them ms dianne. Wala naman yang alam sa buhay nio sadyang mga pakialamira lang talaga ang mga tao.❤️”
“para matapos na usapan. paki-post na lang ng boarding pass nyo to and from manila. 👍”