Rodrigo Duterte, Angel Locsin ‘most admired’ Filipino 2019 – international survey

290

Lumabas sa isang bagong international poll na si Pangulong Rodrigo Duterte at ang aktres na si Angel Locsin ang “most admired” man and woman sa Pilipinas sa taong 2019.

Sa latest survey ng data company na YouGov, nanguna sa listahan ng kalalakihan si Duterte na umani ng 19.39% admiration score, habang 11.14% naman ang nakuha ng una sa kababaihan na si Locsin.


Sumunod sa pangulo bilang “most admired” men sina ope Francis, Jackie Chan, Bill Gates, Manny Pacquiao, Keanu Reeves at Coco Martin.

Pasok naman sa top 13 “most admired” woman si Vice President Leni Robredo, habang nasa ikalawa at ikasiyam ang mga aktres na si Anne Curtis at Marian Rivera.

Ayon sa website ng YouGov, sinusukat ng YouGov Ratings ang popularidad o kasikatan ng kahit sino o kahit ano base sa sa sagot ng milyong respondents.

Sinimulan ang survey ng “most admired men and woman” sa isang open-ended question na “Thinking about people alive in the world today, which [man or woman] do you most admire?”

Itinanong ito sa mga panelist sa 41 bansa na naging basehan ng first 20 nominees na ginamit o itinanong sa mga sumunod na survey.

Lahat ng survey ay isinagawa online.

Facebook Comments