ROLE MODEL | Isang milyonaryo sa China, hobby magpulot ng basura

China – Isang successful business/ millioner sa Chongqing, China ang sumisikat ngayon bilang ”millionaire trash collector”, dahil sa habit nito na paglalakad-lakad sa mga kanto ng kanilang siyudad bitbit ang claw na pamulot ng basurang nakikita nito sa kalsada.

Ayon sa 52- year old na si Zhong Congrong, nakuha niya ang ideang ito nang makatagpo noon ng isang retired professor na nagpupulot naman ng basura sa beach na pinagbakasyunan niya noon.

Pagkauwing-pagkauwi niya aniya sa bakasyon, ay sinimula na niyang gayahin ang dedikasyon ng retired professor para sa kalinisan.


Ayon kay Congrong, ang pagtatapon ng basura at pagpupulot nito ay walang kinalaman sa taas ng edukasyon tinapos ng isang indibidwal, wala rin sa cultural background o edad at mas lalong wala sa socio-economic status, kundi nasa disiplina sa sarili.

Facebook Comments