Roll-out ng booster dose at third dose ng COVID-19 vaccine, sisimulan na sa Nov 15.

Uumpisahan na rin ng pamahalaan ang rollout ng booster dose at third dose ng COVID-19 vaccine sa bansa.

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kaninang umaga, kinumpirma ni Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr. na sisimulan ang pagbibigay ng booster dose at third dose sa Nov. 15, 2021.

Sa Phase 1 ay unang bibigyang ng booster dose ang nasa 1.5 million na health workers at medical frontliners.


Susundan ito ng Phase 2 kung saan bibigyan ng third dose ang mga senior citizen at mga immunocompromised individual sa bansa.

Ayon kay Galvez, sa ngayon ay hinihintay na lamang nila ang guidelines na ilalabas ng Department of Health (DOH) at Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration sa Biyernes. Nov. 5, 2021.

Target ng pamahalaan ang nationwide rollout ng booster shot sa unang kwarter ng 2022.

Facebook Comments