
Ipinagpaliban sa May 13 ng Department of Agriculture (DA) ang roll out ng bentahan ng P20 na kada kilo ng bigas.
Ngayong araw sana ang roll out ng P20/kg rice program sa 19 na Kadiwa ng Pangulo sites sa Metro Manila para sa mga bulnerableng sektor.
Sa pulong balitan, tiniyak ni Agriculture Assistant Secretary Genevieve Velicaria-Guevarra na tuloy ang implementasyon ng P20 program.
Iuusod lang aniya ito pagkatapos ng midterm elections ang implementasyon nito dahil sa umiiral na 10-day ayuda ng Comelec.
Ang rollout ng programa magiging katulad ng pilot launch ng Benteng Bigas Meron (BBM) na program sa Visayas region.
Abot sa P5 billion ang inilaang pondo ng DA para sa programa.
Nasa 380,000 metric tons ng bigas ang nakahanda na para sa gagawing distribusyon.









