ROLL-OUT VACCINATION SA PANIBAGONG BATCH NG SPUTNIK V SA ILOCOS REGION, ISASAGAWA

Dumating sa Ilocos Region ang panibagong batch ng Sputnik V Gamaleya na gagamitin sa pagbabakuna laban sa COVID-19.

12, 000 doses ng Sputnik V Component 1 ang unang natanggap ng rehiyon na gagamitin sa roll out.

Ayon kay John Paul Aquino, Regional Immunization Program Manager, makakatanggap ang rehiyon ng 99, 670 doses ng bakuna para sa component 1 at component 2.


Aniya, para ito sa first dose and second dose kung kaya’t makakasiguro na maibibigay ang full dose sa loob ng 21 araw.

Sinabi ng DOH-CHD1, 91. 6% na epektibo ang Sputnik V sa symptomatic COVID-19 at 100% epektibo sa moderate at severe covid-19.

Sa ngayon, naipamahagi na sa ilang bakuna centers ng rehiyon ang naturang bakuna.###

Facebook Comments