ROLLBACK | Ilang kumpanya ng langis, nagpatupad na rin ng tapyas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong araw

Manila, Philippines – Bababa muli ang presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.

Kahapon, nagpatupad na ng bawas-presyo ang phoenix petroleum na may P1.30 kada litro sa diesel at P1.15 sa kada litro ng gasolina.

Kanilang alas-6:00 ng umaga, ipinatupad na rin ng Seaoil ang kanilang rollback, P1.30 pesos sa kada-litro ng diesel, P1.15 sa gasolina habang P1.20 sa kerosene


Ang Shell, Petron at PTT Philippines, nagpatupad naman ng P1.25 sa kada-litro ng diesel, P1.05 sa gasolina habang P1.20 sa kerosene.

Facebook Comments