ROLLBACK | Kapiranggot na bawas-presyo sa produktong petrolyo, asahan ngayong Linggo

Manila, Philippines – Magpapatupad ng maliit na rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong papasok na Linggo.

Nasa ₱0.10 hanggang ₱0.25 ang tapyas sa bawat litro ng gasolina at diesel.

Aabot naman sa ₱0.20 hanggang ₱0.30 ang bawas sa kada litro ng kerosene.


Base sa kabuhuang oil price adjustment mula enero a-uno ngayong taon, aabot na sa ₱9.42 ang kabuoang dagdag sa gasolina, ₱9.20 sa diesel, at ₱9.66 sa kerosense.

Facebook Comments