ROLLBACK | Presyo ng produktong petrolyo, magmumura muli ngayong linggo

Manila, Philippines – Magpapatupad ngayong linggo ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ito ay matapos ang dalawang magkasunod na linggong oil price hike.

Aabot sa 50 hanggang 60 centavos ang itatapyas sa kada litro ng diesel.


Nasa 40 hanggang 50 centavos ang imumura ng kada litro ng gasolina.

Nasa 1.10 pesos hanggang 1.20 pesos naman ang ibabawas sa kerosene.

Ang oil price adjustment ay bunsod ng pagmura ng presyo ng imported na petrolyo sa international market.

Facebook Comments