Rollback sa langis, ipatutupad ulit ngayong linggo

169

Good news ulit sa mga motorista!

May rollback na naman sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Batay sa projection ng oil industry, maglalaro sa P0.85 hanggang P1.10 ang mababawas sa presyo ng kada litro ng gasolina.


P1.20 naman hanggang P1.30 sa kada litro ng diesel at P1.30 hanggang P1.40 sa kerosene.

Ito na ang ikatlong sunod na linggo na magpapatupad ng bawas-presyo sa langis.

Facebook Comments