Ikinatuwa ngayon ng Pangasinense ang muling pagbaba ng gasolina ngayong linggo.
Sa pagtatanong-tanong ng iFM Dagupan sa mga Pangasinense, partikular na sa mga motorista, malaking tulong umano ang naging tapyas ng presyo ngayon.
Bukod umano sa tapyas ng presyo nito, magkakaroon ang mga motorista ng pagkakataon upang makapag-impok ng gasolina sa murang halaga nito.
Kahapon, araw ng Martes naging epektibo ang rollback kung saan ang Diesel ay matatapyasan ng tatlong piso kada litro, gasolina- nasa dalawang piso at sampung sentimo ang bawas, bumaba din ang kerosene ng dalawang piso at trenta sentimo.
Ayon naman sa ilang mga may ari ng gasolinahan sa Dagupan City ay naiintindihan umano nila kung bakit dagsa ang mga taong nagpapagasolina.
Panawagan naman ng ilang motorista na sana ay unti-unti nang bumalik sa dating presyo ang mga gasolina. |ifmnews
Facebook Comments