Muling magpapatupad ang mga oil companies ng rollback sa presyo ng mga produktong langis na epektibo naman ngayong araw.
Ang produktong Diesel, bababa ng nasa P0.90-P1.20 sa kada litro nito, may bawas din na P0.30-P0.60 sa bawat litro ng Gasoline habang tapyas presyo rin ng P0.80-P1.00 sa kada litro ng Kerosene.
Ilang mga oil companies na magpapatupad ng price adjustments ay kadalasang epektibo alas dose ng madaling araw o alas sais ng umaga ngayong araw.
Samantala, bagamat may paggalaw sa presyo ay mas inaasahan pa rin ng mga PUV operators maging mga motorista ang pag-implementa ng mas mataas na rollback kumpara sa mataas ding pagsirit sa presyo ng mga krudo. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments