ROLLBACK SA MGA PRODUKTONG PETROLYO, EPEKTIBO NGAYONG ARAW

Cauayan City – Magkakaroon ng kaunting ginhawa ang mga motorista ngayong Disyembre matapos ianunsyo ng mga kompanya ng langis ang bawas-presyo sa produktong petrolyo na ipatutupad simula Martes, Disyembre 23—sakto sa holiday break.

Ayon sa inilabas na anunsyo, bababa ang presyo ng gasolina ng P0.80 kada litro, na katumbas ng kalahati ng kabuuang P1.60 na itinaas nito sa loob ng nakaraang tatlong linggo. Samantala, mas malaki ang rollback sa kerosene na P1.60 kada litro at diesel na P1.30 kada litro.

‎Samantala, sa Petron ang kanilang Diesel Max ay nasa P52 pesos; turbo diesel na nasa P57 pesos; Xtra Advance na nasa P58 pesos; at XCS na nasa P59 pesos.

‎Sa Fuel Maxx naman, ang diesel ay nasa P50.90, ang premium ay nasa P53.80, at ang kanilang unleaded ay nasa P53.30 per liter.

Sa eighteen v naman, ang diesel ay nasa 51.00 pesos, premium na 54.00, at 53.70 sa eco-max.

‎Samantala, sa Eco Power Oil naman, nasa P50.90 ang kanilang diesel, premium na 53.80 habang ang kanilang supreme ay nasa P53.30 kada litro.

Batay sa paliwanag ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), ang rollback ay bunsod ng pagtaas ng produksyon ng langis, mahinang demand mula sa mga konsyumer, at positibong sentimyento ng merkado kaugnay ng posibilidad ng tigil-putukan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Dahil dito, inaasahang maaaring lumuwag ang mga parusa sa malalaking refinery ng Russia at muling maging normal ang daloy ng suplay ng langis sa buong mundo.

Facebook Comments