May aasahang bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang mga motorista sa darating na linggo.
Batay sa pagtaya ng Unioil Petroleum Philippines Inc., maglalaro sa ₱2.40 hanggang ₱2.60 ang matatapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.
Nasa ₱0.50 hanggang ₱0.60 naman ang posibleng rollback sa gasolina.
Samantala, sa naunang prediksyon ng Department of Energy – Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB), maaaring mabawasan ang presyo ng kada litro ng diesel at kerosene ng higit ₱1.50 habang hindi naman lalampas sa ₱0.50 ang bawas-presyo sa gasolina.
Bukas, inaasahang mag-aanunsyo ng price adjustment ang mga kompanya ng langis.
Facebook Comments