Rollback sa presyo ng langis – aarangakda bukas

Manila, Philippines – Magkakaroon ng bawas-presyo ang ilang kumpanya ng langis bukas, June 13.

Alas 12:01 bukas nang madaling araw, sabay na magpapatupad ang Flying V at Seaoil ng P0.80 na rollback sa kada-litro ng gasolina, P0.95 sa diesel at P1.20 sa kerosene.

Parehong bawas-presyo rin ang ipatutupad ng Shell at Petron na epektibo naman alas sais nang umaga bukas.


Ang naturang price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyo ng gasolina sa international oil trading noong nakaraang Linggo.
DZXL558

Facebook Comments