Rollback sa presyo ng langis, aarangkada ulit sa susunod na linggo!

145

Muling magpapatupad ng bawas-presyo sa mga produktong petrolyo ang ilang kompanya ng langis.

Sa pagtaya ng oil industry, nasa P0.60 hanggang P0.70 ang aasahang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.

Piso hanggang P1.10 naman ang rollback sa kada litro ng gasolina habang P0.50 hanggang P0.60 sa kerosene.


Ito na ang ika-apat na sunod na linggong magpapatupad bawas-presyo ang mga oil company matapos ang serye ng oil price increase.

Facebook Comments