Rollback sa presyo ng langis, posible sa susunod na linggo – DOE

Inihayag ng Department of Energy (DOE) na may indikasyon ng posibleng rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad, bumaba ang presyo ng langis sa nakaraang tatlong araw ng kalakalan sa world market.

Gayunman, nakadepende pa rin aniya sa huling dalawang trading day kung matutuloy ang rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.


Paliwanag ni Abad, ang patuloy na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Russia at Ukraine ay may impluwensya sa kalakalan ng langis ngayong linggo.

Nauna nang nagpatupad ang mga kompanya ng langis ng P3.40 dagdag-presyo sa gasolina at P9.40 sa diesel.

Facebook Comments