Posibleng mas malaki pa ang inaasahang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Energy Undersecretary Gerardo Erguiza, kung magtuloy-tuloy na bumaba ang presyo ng langis sa world market hanggang Biyernes, sigurado na ang big-time na rollback sa susunod na linggo.
Aniya, may mga lockdown sa China dahil sa COVID-19 outbreak kaya humina ang demand sa langis worldwide habang patuloy rin ang pag-uusap ng Ukraine at Russia.
Nauna nang inaprubahan ng komite sa Kamara ang pag-amend sa Oil Deregulation Law kung saan lalakihan na ang imbentaryo ng langis at hihimayin ang presyuhan ng produktong petrolyo.
Facebook Comments