Rollback sa presyo ng produktong petrolyo, asahan na sa susunod linggo

Kinumpirma ng Department of Energy (DOE) na asahan na ang rollback sa presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa DOE, nabawasan ng kaunti ang demand sa langis dahil sa nangyayaring lockdown sa China bunsod ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 doon.

Gayundin aniya ang peacetalk sa pagitan ng Russia at Ukraine at ang pagpapakawala ng Amerika ng reserba nitong langis.


Nauna nang nagpatupad ng P3.40 dagdag-presyo sa gasolina ang mga kompanya ng langis habang P9.40 ang itinaas ng diesel.

Facebook Comments