Hindi pa nakikita ng Department of Energy (DOE) ang pagkakaroon ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Director Atty. Rino Abad, malabong magkaroon ng rollback bagkus ay posible lalo pang tumaas ang presyo ng krudo sa susunod na linggo hangga’t magkaroon ng price destruction sa pagbaba ng demand.
Paliwanag pa nito na humihina ang purchasing power sa produktong petrolyo dahil binabawasan ng publiko ang kanilang fuel utilization.
Pero ayon kay Abad, hindi pa nakikita ng mga eksperto ang inaasahang paghina ng demand.
Sa ngayon ay nararanasan ang oil shortage at pababa ng inventory ng langis dahil sa sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine kung kaya’t asahang patuloy pang sisirit ang presyo ng petrolyo.