
Matapos ang ilang linggong malaking dagdag sa presyo sa produktong petrolyo, asahan ang ipapatupad na rollback bukas.
Ang Shell at SeaOil, magtatapyas ng ₱1.45 kada litro ng gasolina, ₱0.60 sa kada litro ng diesel habang piso naman sa kada litro ng kerosene.
Sa Phoenix Petroleum at Petro Gazz, nasa P1.55 ang tapyas sa kada litro ng kanilang gasolina habang P0.50 naman sa kada litro ng diesel.
Sa Cleanfuel, nasa P1.50 ang bawas sa kada litro ng gasolina at P0.50 naman sa kada litro ng diesel.
Epektibo ang price adjustment ng SeaOil bandang 6:00, Lunes ng umaga (September 30).
Bandang 6:00, Martes naman ng umaga (October 1) epektibo ang rollback ng Shell at Petro Gazz.
Naunang nagpatupad ang Phoenix Petroleum at Cleanfuel kahapon habang ang rollback ng Cleanfuel.









