Asahan na ang bawas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) Director Rino Abad, medyo malakihan ang ibaba sa presyo ng diesel at kerosene habang katamtaman lamang sa gasolina.
Aniya, ang bawas-presyo ay dahil sa oil export ng Russia sa kabila ng rekomendasyong pag-ban sa kanilang produktong petrolyo.
Gayundin ang pagtaya ng International Energy Agency (IEA) at Organization of the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na pagbaba ng demand ngayong taon.
Facebook Comments