Rollout ng AstraZeneca vaccines, sisimulan sa Lunes

55

Kinumpirma ni Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire na sa Lunes na ang full rollout ng AstraZeneca vaccines.

Ayon kay Vergeire, target ng DOH na matapos ang rollout ng AstraZeneca vaccines sa loob ng 5 araw.


Kinumpirma rin ni Vergeire na pinatawag na nila ang medical heads ng mga ospital mula sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Layon aniya nito na matukoy kung ang causes ng pagtaas ng kaso ng infection sa kani-kanilang nasasakupan.

Samantala, muli namang nanawagan ang DOH sa publiko na tulungan ang pamahalaan sa laban kontra COVID-19.

Ito ay sa pamamagitan ng pagsunod sa minimum health standards.



Facebook Comments