Rollout ng booster shots sa Kamara, inihahanda na

34

Magkakasa rin ang Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa pag rollout ng booster shots.

Paalala ng CongVax ng Kamara sa mga empleyado na isumite ang kanilang mga impormasyon para sa booster shot.

Para naman sa mga hindi pa rin nababakunahan, hinihimok na magparehistro sa CongVax Program na nagpapatuloy pa rin para sa mga empleyado at kanilang dependents.


Katunayan, hanggang noong Nobyembre 13 ay halos nasa 70 percent na ng target HOR population ang bakunado habang malapit na ring makamit ang naturang bilang para sa congressional staff.

Mayo nang simulan ng Kamara ang pagbabakuna sa mga empleyado, House members, secretariat gayundin ang empleyado ng mga government agencies na nakatalaga sa Batasan.

Facebook Comments