Sinimulan ngayong araw sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) ang initial rollout ng COVID-19 booster shot para sa mga immunocompromised na batang edad 12 hanggang 17 ngayong araw.
Ayon kay Dr. Ignacio Rivera, chairman ng Pediatric Department ng QMMC, maaaring mag-register online at papayagan din ang walk-in para sa 12 to 17 age group kinakailangan lamang na magpakita ng medical certificate na sila ay immunocompromised.
Sabayan ding isinagawa sa National Capital Region (NCR) ang pilot implementation ng COVID-19 booster shot para sa A3 pediatric immunocomprised.
Ayon kay Dr. Amelia Medina, Local Health Support Division chief ng Department of Health-NCR, magdaragdag pa ng mga vaccination site kabilang ang mga pribadong ospital simula bukas.
Sa Lunes naman, nakatakdang i-roll out sa lahat ng ospital na vaccination site ng Department of Health (DOH) ang COVID-19 booster shot para sa 12 to 17 age group.
Matatandaang inaprubrahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang rekomendasyon ng Health Technology Assessment Council na pagbibigay ng booster dose sa nasabing age group.