Pinabibilis na ng Department of Information and Communication Technology (DICT) ang rollout ng kanilang digital infrastructure program sa bansa.
Nais ni DICT Acting Secretary Emmanuel Rey Caintic na matugunan na ang problema sa internet connectivity lalo na sa gitna ng new normal.
Bagama’t may pagbagal pa sa internet speed o interruption sa internet connection ay nakitaan na ito ng pagbuti sa bilis noong Pebrero sa parehong mobile at fixed broadband ayon sa global speed monitoring firm na Ookla.
Ayon sa monitoring firm, ang median na bilis ng pag-download ng mga bansa para sa Pebrero 2022 ay 18.79 mbps para sa mobile internet habang nasa 49.10 mbps naman sa fixed broadband.
Facebook Comments