Target ng Department of Education (DepEd) na maipatupad ang bagong K-to-10 curriculum sa School Year 2024-2025.
Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, kinukuha na nila ang feedback ng publiko upang maikonsidera sa pagsasapinal ng curriculum.
Samantala, nasa consultation stage na ang pag-review ng DepEd sa curriculum ng Senior High School.
Pinaplantsa na rin ng DepEd ang school calendar para sa S.Y. 2023-2024.
Sa kabilang banda, Tiniyak ng DepEd na babasahin nito ang ulat ng world population review na “below average” ang intelligence quotient o IQ ng mga Pinoy.
Sabi ni Poa, ginagawa ng ahensya ang “holistic” approach para masiguro ang pagkatuto ng mga bata.
Facebook Comments