Rollout ng panibagong housing projects sa Iloilo City, sinimulan na

Sinimulan na ang rollout ng panibagong housing projects sa Iloilo City sa pamamagitan ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).

Pinalawak pa ng DHSUD ang pagkakaloob ng disente at maayos na pabahay sa pamilyang Pilipino kasunod ng Memorandum of Agreement (MOA) kay Palayan City Mayor Adrianne Mae Cuevas, para sa panibagong housing project.

Pinangunahan ni DHSUD Secretary Eduardo Del Rosario ang ground breaking ceremony ng Uswag Low-Rise Residential Building sa Barangay San Isidro, Jaro District.


Ang konstruksyon ng socialized housing unit ay bahagi ng incentivized compliance sa balanced housing na allocation ng developers.

Ito ay nakalaan para sa informal settler families, partikular na ang mga naninirahan sa mga “high-risk” areas.

Patuloy na nakikipagkasundo ang DHSUD sa mga Local Government Units (LGUs) upang mapataas ang linkages at coordination nito sa mga housing stakeholders .

Facebook Comments