Rollout ng Solidarity Vaccine Trial ng World Health Organization, posibleng simulan na sa katapusan ng Hulyo – DOST

Inihayag ng Department of Science and Technology na posibleng magsimula na ang aktwal na rollout ng Solidarity Vaccine Trial (SVT) ng World Health Organization sa pagitan ng katapusan ng Hulyo o unang linggo ng Agosto.

Ayon kay DOST Undersecretary for Research and Development Rowena Guevara, hinihintay na lamang nila ang permits mula sa Food and Drug Administration (FDA), Philippine Health Research Ethics Board (PHREB), at Vaccine Experts Panel.

Bukod sa Solidarity Vaccine Trial, magsisimula na rin ang pag-aaral ng pilipinas para sa pagiging ligtas at epektibo ng pag-gamit sa magkaibang COVID-19 vaccines sa una at ikalawang dose.


Tatagal ng 18 buwan ang solidarity vaccine trial ng WHO na lalahukan ng nasa 3,000 indibdiwal na may edad 18 pataas.

Dagdag pa ni Guevarra, limang brand ng bakuna ang gagamitin kabilang ang Sinovac, Sputnik V, AstraZeneca, Pfizer at Moderna.

Facebook Comments