
Nakatakdang isagawa ang pilot implementation ng unified ID system para sa mga persons with disability o PWDs sa buwan ng Oktubre.
Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang naturang hakbang ay para labanan ang paglaganap ng pekeng tao na mayroong disabilities identification (ID) cards.
Dahil dito, ipapamahagi na ng DSWD ang kanilang attached agency na National Council on Disability Affairs o NCDA ang unified ID system sa pilot local government units (LGUs) sa buwan ng Oktubre.
Nasa 200,000 PWDs o nasa 10% ng tinatayang 2 million PWDs nationwide mula sa 35 LGUs ang inaasahang lalahok sa pilot roll out.
Ayon kay Asst. Secretary for Information and Communications Technology at Chief Information Officer (CIO) Johannes Paulus Acuña, ang unified ID system for persons with disabilities ay nasa internal pilot testing stage na.
Aniya, may mga ginagawa na silang internal technical pilots at ipinapakita na ito sa NCDA.
Isasagawa ito ngayong July hanggang September para mapaghandaaan ang actual roll out sa mga pilot LGUs sa Oktubre.









