
Nagpapatuloy ngayong umaga ang public auction ng mga luxury car na nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC).
Kabilang dito ang walong mamahaling sasakyan mula sa pamilya Discaya, bukod pa sa dalawang Bugatti Chiron.
Matapos ang ilang beses na bigong maipasubasta, nabenta na ngayong umaga ang 2023 Rolls-Royce Cullinan ng kontrobersiyal na contractor na si Sarah Discaya.
Nakilala ang bidder na kumatawan sa Igorot Stone Kingdom Corporation, na nag-bid ng ₱29,026,000.
Mas mataas lamang ito ng halos isang libong piso kumpara sa floor price na ₱29,025,132.58.
Kabilang din sa mga nag-bid ang host na si Willie Revillame.
Halos kalahati ang ibinaba ng presyo ng Rolls-Royce ni Discaya mula sa mahigit ₱45 million na floor price nang una itong isalang sa auction noong nakaraang taon.
Samantala, hindi nabenta ang iba pang sasakyang kasama sa auction, kabilang ang Bentley Bentayga ni Discaya.










