‘Rolly’ death toll sa Bicol Region, ibinaba sa 17

Ibinaba sa 17 ang bilang ng mga namatay sa Bicol Region buhat ng Bagyong Rolly.

Matatandaang nasa 19 ang death toll ng Office of Civil Defense (OCD) Region 5 nitong Martes.

Pero nitong Miyerkules, iniulat ng OCD-5 na ang dalawang naitalang namatay sa Guinobatan, Albay ay nananatiling wala sa report ng Department of Health (DOH) Region 5 at inalis ito sa talaan.


Sa bagong situation report ng OCD-5, 11 sa mga biktima ay mula sa Albay, lima sa Catanduanes, at isa sa Camaligan, Camarines Sur.

Nasa tatlong indibidwal sa Guinobatan ang nawawala.

Aabot sa 160 tao ang nasugatan sa pananalasa ng bagyo.

Na-displaced ang nasa 30,634 families o 112,555 individuals kung saan higit 25,000 na pamilya ang nananatili sa evacuation centers.

Matindi ang iniwang pinsala ng bagyo sa 27,588 na bahay habang 129,259 ang partially damaged.

Nasa ₱2.4 billion ang nawala sa sektor ng agrikultura sa rehiyon apektado ang 58,000 na ektarya ng lupain.

Higit ₱4.6 billion ang halaga ng pinsala sa imprastraktura sa rehiyon.

Facebook Comments