‘Rolly’ displaced individuals, umabot na sa higit 110,000 – OCD

Umabot na sa higit 110,000 individuals ang na-displaced matapos tumama ang Bagyong Rolly sa bansa.

Sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), nasa 119,572 individuals ang nananatiling displaced.

Mula sa nasabing bilang, 75,197 individuals ang nananatili sa evacuation centers habang 44,375 katao ang nasa labas ng evacuation centers.


Umakyat na sa 21 ang namatay habang apat na indibiduwal ang nawawala, kung saan tatlo sa Guinobatan, Albay at isa sa San Miguel, Catanduanes.

Nasa ₱42.86 billion ang nailabas na pondo ng pamahalaan para matulungan ang mga apektadong lugar.

Facebook Comments