Romania, kukuha ng libu-libong Pinoy workers

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Migrant Workers sa mga pribadong sektor sa Pilipinas at sa Romania para sa pag-deploy ng Pinoy workers sa Romania.

Kabilang sa mga kukunin ng Romania ay Pinoy skilled workers, professional workers at iba pang manggagawa sa manufacturing sector.

Ayon kay Romanian Ambassador to the Philippines RĂ¢duta Dana Matache, nangangailan din sila ng mahigit tatlong libong truck drivers.


Sinabi naman ni DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac na sa ilalim ng Memorandum of Understanding sa Bilateral Labor Cooperation Agreement ng Pilipinas at Romania, matitiyak ang kaligtasan at kapakanan ng mga Pilipinong manggagawa sa Romania.

Facebook Comments