
Hindi naniniwala si Navotas Representative Toby Tiangco na may kinalaman si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa budget insertions at pagkubra ng kickback mula sa mga pondo para sa flood control projects na syang isiniwalat ni dating Congressman Elizaldy Co.
Sa katunayan ayon kay Tiangco, sa isang pulong noong November 2024 ay pinagalitan ng husto ni PBBM sa harapan nya mismo sina Romualdez at Co dahil kinukuha daw ng mga ito ang budget.
Sa kwento ni Tiangco ay masasakit ang mga salitang binitiwan ni PBBM kina Romualdez at Co.
Ayon kay Tiangco, diretsahang tinangong ng Pangulo sina Romualdez at Co na ilan bang bahay ang gusto ng mga itong bilhin sa Forbes Park, ilang eroplano, at Ferrari ang gusto pa nilang bilhin, ilang caviar ang gusto nilang kainin at gaano karaming pera pa ang nais nilang makuha.









