Romualdez bilang susunod na vice president, suportado ni PRRD

Kinumpirma ng MalacaƱang ang mga ulat na susuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Leyte Representative Martin Romualdez sakaling tumakbo ito bilang vice president sa 2022 elections.

Una itong binanggit ng Pangulo sa mga panayam sa kanya ng The Daily Tribune at Manila Times, Huwebes ng gabi.

Inilarawan pa niya si Romualdez bilang mahusay at maabilidad.


Gayunman, wala siyang binanggit kung sino ang nais niyang maging sunod na pangulo ng bansa.

Matatandaang isa si Romualdez sa tatlong pinakamatunog na kandidato sa speakership ngayong 18th Congress.

Katunggali niya si Taguig City Representative Alan Peter Cayetano na una nang inendorso ng Pangulo sa pagka-house speaker na susundan ni Marinduque Representative Lord Alan Velasco sa ilalim ng term sharing scheme.

Facebook Comments