Ronapreve, hindi pa aprubado para sa commercial sale – FDA

Nilinaw ng Food and Drug Administration (FDA) na hindi pa aprubado para sa commercial sale ang antibody treatment na Ronapreve.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni FDA Director General Eric Domingo na gaya ng mga COVID-19 vaccines, gobyerno lamang ang maaaring bumili ng Ronapreve dahil mayroon lamang itong Emergency Use Authorization (EUA).

Dagdag pa ni Domingo, ang Ronapreve ay hindi gaya ng bakuna na ibinibigay sa taong walang COVID-19.


Maaari lang itong ibigay sa mga pasyenteng may mild at moderate cases ng COVID-19 para maiwasan itong maging severe.

“Para po siyang antibodies na magkahalo, tapos binibigay po siya na intravenous. Binibigay siya sa mga pasyenteng may mild to moderate COVID lalo na po yung mga high risk,” paglilinaw ni Domingo.

“Hindi na po siya binibigay sa mga severe COVID dahil too late na po ‘yun para sa gamot na ito. Binibigay po siya bago magkaroon ng severe COVID,” dagdag niya.

Samantala, maaari ibigay ang gamot sa mga edad 12-anyos pataas pero dapat ay may timbang 40 kilograms.

Facebook Comments