Usap-usapan ngayon sa social media ang tila indikasyon na lalagay na sa tahimik ang magkasintahang Ronnie Alonte at Loisa Andalio.
Kasunod ito ng pag-post ni Ronnie ng isang litrato kung saan makikita siyang naglalakad papunta sa isang ginagawang bahay, habang hawak ang kamay ni Loisa.
Lalo pang na-trigger ang mga netizen nang nag-commnet si Loisa na tila natutuwa at sumasang-ayon pa sa binata.
Binura naman ni Ronnie ang ilan pang litrato sa kaniyang instagram kaya maraming netizens ang naghinalang binibigyan nang “special spot” ni Ronnie si Loisa sa kaniyang social media account.
Mag-aapat na taon nang magkasintahan ang dalawa ngayong darating na November.
Facebook Comments