Ronnie Alonte, baby ni Loisa Andalio!

Hindi raw kumpleto ang araw ni Loisa Andalio kapag hindi nakikita ang bagong ka-loveteam na si Ronnie Alonte. Nasanay na raw kasi itong lagi silang magkasama. Sa kanyang instagram, “Baby” ang tawag ni Loisa kay Ronnie. Pero paglilinaw ng young actress, wala pa silang relasyon ng #hashtag member. Depensahan din ni Loisa ang kapareha laban sa bashers nito. Ito ay dahil binura ni Ronnie sa kanyang instagram accounts ang mga larawan kasama sina Julia Barreto at Sue Ramirez na mga dati niyang ka-loveteam. Tanging ang mga larawan na lamang nila ni Loisa ang natitira sa ig ng aktor. Ayon kay Ronnie, ginawa niya ito upang mag-focus na ang mga tao sa bagong love team nila ni Loisa.

Facebook Comments