Ronnie Dayan at Sen. De Lima, sabay nang haharap sa QC-MTC

Ililipat na sa korte kung saan nililitis si Senadora Leila De Lima ang hiwalay na disobedience to summons case ni Ronnie Dayan na dinidinig sa Branch 35.

Ito ay matapos na pormal na tanggapin ng Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 34 ang kahilingan ng prosekusyon na i-consolidate o pag-isahin na lamang ang kaso ni Dayan.

Humiling naman ng sapat na panahon ang panig ng prosekusyon para iprisinta si Dayan bilang witness sa branch 35.


Tinututulan naman ito ng kampo ni Dayan dahil lalabagin na nito ang prinsipyo ng right to self-incrimination nito.

Sa ngayon kasi ay isa nang akusado si Dayan matapos na mailipat ang kaso niya sa Branch 35.

Ayon kay Atty. Filibon Tacardon, mahirap aniya na isalang ito sa pagtatanong bilang akusado at testigo.

Dahil dito, inaasahan na hahaba pa ang panahon ng pagdinig sa kaso ni De Lima na muling itinakda ang pagdinig sa Pebrero a trese.

Nag-ugat ang kaso nang pagbawalan umano ni De Lima ang driver lover na hindi siputin ang pagdinig noon ng House Committee on Justice sa pagkakasangkot ng senadora sa drug trade sa Bilibid.

Facebook Comments