Roof leak sa PhilHealth Pangasinan office, pinapa-imbestigahan ni Sen. Bong Go

Kinalampag ni Senator Christopher ‘Bong’ Go ang task force, katuwang ang National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensya na nag-iimbestiga sa mga katiwalian sa PhilHealth.

Ito ay para siyasatin din ang malakas na pagtagas ng tubig sa bubong ng PhilHealth office sa Pangasinan na ikinasira ng maraming dokumento.

Diin ni Go, mahalagang malaman kung sinadya ang insidente at hinayaang masira ang mga dokumento.


Palaisipan kasi kay Go na sa laki ng pondo ng PhilHealth ay hindi nito maipagawa ang bubong ng isang opisina.

Ayaw kong pangunahan ang kalalabasan ng imbestigasyon, pero dapat malaman kung dulot lang ba talaga ito ng malakas na ulan, may kapabayaan bang naganap, o sadyang hinayaang masira ang mga dokumento.

Tinatawagan ko ang pansin ng pamunuan ng PhilHealth. Ang laki-laki ng pondo ninyo, tapos hindi niyo mapagawa ang bubong ng isang opisina ninyo!

Ito rin ang rason kaya nasabi ko na kapag mayroong malilikot ang daliri, dapat putulin. Kapag sa korapsyon napupunta ang pondo ng bayan, ganito ang nangyayari” pahayag ni Sen. Bong Go na siya ring Chairman ng Committee on Health and Demography.

Facebook Comments