ROOKIE | LA Tenorio may bagong trabaho sa NCAA

Manila, Philippines — Masaya ngayon ang pointguard ng Barangay Ginebra na si L.A. Tenorio sa bago niyang papel sa NCAA men’s basketball tournament.
Nabatid kasi na isa si Tenorio sa mga commentator ng laban kung saan aminado siya na marami pang dapat gawin matapos ang una niyamh pagsabak bilang commentator.
Sinabi pa ni Tenorio na mas nakaka-kaba raw ang pagiging commentator kaysa sa pagiging player.
Umaasa naman siya na marmai siyang matutunan sa mga beteranong sports commentator at hindi naman nawawala ang focus niya sa nalalapit na laban ng Ginebra kontra San Miguel Beermen sa game one ng finals ng PBA Commissioners Cup.

Facebook Comments