Rookie player RR Pogoy, nanguna sa panalo ng TNT Ka-Tropa kontra San Miguel Beermen sa game-1 ng PBA Commissioners Cup finals

253

Manila, Philippines – Isang crucial na tear drop shot ang binitawan ng import ng TNT Ka-Tropa na si Joshua Smith dahilan para masungkit nila ang panalo kontra San Miguel Beermen sa game-1 ng kanilang best-of-seven PBA Commissioner’s Cup finals.
Nanalo ang TNT sa score na 104-102 kung saan naging best player ang rookie na si RR Pogoy na nakapagtala ng 27 points habang ang kanilang import na si Joshua Smith ay mayroong 21 points at siyam na rebounds.
Sa interview kay Pogoy, naging inspirasyon sa kaniya ang advice ng mga veterans dahil sa first time nitong makatungtong sa finals kaya’t hindi niya binigo ang mga ito.
Mapapanood naman ang game-2 sa Biyernes, June 23 alas-7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Facebook Comments