Roque, aminadong hindi na-gets ang “change oil” joke

Natawa na lamang si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos malamang nahulog siya sa isang joke.

Ito ang kanyang pahayag matapos siyang tanungin kung maaari bang magpa-“change oil” ang mga may-ari ng sasakyan sa mga lugar na nasa labas ng GCQ bubble.

Aminado si Roque na hindi niya nakuha ang joke noong una.


Kaya muling nilinaw ni Roque na pwedeng magpa-change oil sa loob ng NCR+ o Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Pero kung sa labas na ng area bubble tulad ng Batangas ay hindi na ito pupwede.

Para sakyan ang joke, nagpaalala si Roque sa mga mekaniko na dapat tiyakin na ang kanilang mga customer ay pupunta talaga sa kanila para magpalit ng langis.

Ang salitang “change oil” ay nag-viral sa social media matapos lokohin ang isang babae ng kanyang fiancé ng isa pang babae.

Facebook Comments