Roque, binatikos ng ilang mga dating kasamahan sa kamara

Manila, Philippines – Nakatikim ng pagkastigo si Presidential Spokesperson Harry Roque sa ilang dating kasamahan sa Kamara matapos ipapanawagan ang pagbibitiw ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno para mailigtas sa damage ang Korte Suprema.

Giit ni Villarin, “uncalled for” ang hakbang na ito ni Roque gayong may proseso at may naka-pending na impeachment complaint sa Kamara laban sa Chief Justice.

Mistula ding nagmamanipula ang Malacañang dahil sa pagmamadaling maalis sa pwesto si Sereno.


Duda ni Villarin, mukhang gusto ng administrasyon na magkaroon ng public pressure para alisin ang punong mahistrado dahil baka may balak ang Malacañang na gawing sunud-sunuran ang Kataas-taasang Hukuman.

Facebook Comments