Roque, iginiit kay Sec. Locsin na hindi siya mapapatahimik sa isyu ng foreign policy

Nanindigan si Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi siya nanghihimasok sa foreign policy sa bansa.

Ito ay kasunod ng pagkomento niya na maaring iakyat ng Pilipinas sa United Nations Tribunal ang kontrobersyal na Coast Guard Law ng China.

Matatandaang inihayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa isa sa kanyang tweet na dapat bitawan ni Roque ang isyu ng foreign affairs dahil hindi siya competent sa larangang ito.


Depensa ni Roque, bilang tagapagsalita ng ‘chief architect’ ng foreign policy, mahirap aniya na mananahimik na lamang sa mga usapin hinggil dito.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang chief architect ng foreign policy.

Malinaw aniya ang kanyang sagot na ang tanging paraan para kwestyunin ang bagong batas ng China ay dalhin ito sa UN tribunal on the law of the sea.

Pero ang desisyon ay nakadepende na sa Department of Foreign Affairs (DFA) ng Pilipinas at foreign affairs ministry ng ibang bansa.

Ang Malacañang ay hindi nangingialam at ipinauubaya nila sa mga kaukulang ahensya ang aktuwal na polisyang ipatutupad.

Facebook Comments